PAMBANSANG BUWAN NG PAGBASA 2025

Nakikiisa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dagupan (DCNHS) sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa ngayong Nobyembre!

Sa temang “PAGBASA: PAG-ASA SA MATATAG NA KINABUKASAN”, ating pahalagahan ang kapangyarihan ng pagbabasa bilang susi sa karunungan, pag-unlad, at pagbabago ng lipunan.

Iba’t ibang masayang gawain ang inihanda ng ating paaralan upang hikayatin ang bawat City Highers na yakapin ang kultura ng pagbasa — mula sa mga patimpalak, pampasiglang gawain, hanggang sa mga programang magpapaalab ng ating pagmamahal sa mga aklat at kaalaman.

Abangan ang mga anunsyo at iskedyul ng mga aktibidad!

Sama-sama nating ipagdiwang ang pagbabasa — daan tungo sa matalinong mamamayan at maunlad na bayan!

#BuwanNgPagbasa2025

#BatangCityHighBumabasa

#DCNHS

#DepEdDagupanCity